Matatandaan na noong Agosto 28, pasalamat ng bayan sa Mahal na Patron na si San Agustin ay idineklara itong holiday sa mga paaralan bunsod sa kahilingan ng Kura Paroko at Parish Pastoral Council ng Parokya ni San Agustin. Sa sulat na ipinadala ni Kura Paroko Msgr. Andres Valera, na mahalaga din na masiguro ang kaayusan sa pagdating ng Apostolic Nuncio o ang Kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na siyang mangunguna sa misa concelebrada. Ang Apostolic Nuncio din ang tumatayong Dekano ng Diplomatic Corps kung kaya’t mahalaga ang seguridad ng nasabing bisita.
Ang nasabing Pangkalahatang Kautusan ay walang pasubaling sinang-ayunan ng Provincial Legal Office. Sa liham na pinadala ng Tanggapan ng Panlalawigang Pambatas, “Walang pagtutol at naaayon sa batas ang nasabing kautusan.”
Samanatala, ipinagkibit balikat lamang ito ni Punongbayan Ferdie Estrella at sinabing handa naman siyang sagutin ang kaso na isinampa laban sa kanya at pinanindigan na siya ay kumilos na ayon sa kanyang kapangyarihan bilang Punong Ehekutibo ng Bayan ng Baliwag. Aniya, “ang mga ganitong kaso ay sinadya upang magdulot ng kalituhan at kaguluhan sa aming kampanya. Nakakalungkot na pagkatapos ng panunutok ng baril ng kanyang militar na security escort sa isang Baliwagenyo ay ito naman ang kanilang isinaalang-alang. Suki pa rin sila ng isang maduming pulitika na gumagamit ng dahas at pananakot.”
Nagpahayag naman ng matinding pagkadismaya ang simbahang Katolika at mga katoliko sa kasong Usurpation of Powers na inihain laban sa alkalde. Ayon sa kanila, “ito ay maliwanag na panginsulto sa mga Baliwagenyo, sa kaniyang tradisyon at pamana.”
Mayor Ferdie huag na huag mong papayagan na madaya ka Sa darating na election bagamat isa LNG akong ordinaryong mamamayan ng Baliuag kung my maitutulong along sabihin mo LNG,dati na taung nagkakakuwetuhan Sa Gymday pag nagkakasabay mag work out,More Power,Mayor, sayo kming buong pamilya pati pamilya ng Mrs.q… MABUHAY Ka, Mayor Ferdie Estrella, Panalo ka uli,loobin ng DIOS.