Baliwag News Service

Senador JV Ejercito, Panauhing Pandangal sa Flag Ceremony Bukas.

Baliwag, Bulacan – Nakatakdang bumisita si Senador JV Ejercito sa Bayan ng Baliwag bukas ng umaga. Siya ay nakatakdang magsalita sa lingguhang flag ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Si Senador JV ay malapit kay Mayor Ferdie Estrella at sinasabing nag ayos pa ito ng coaching session kasama ang kanyang ina, si San Juan City Mayor Guia Gomez.

Naglaan din si Senador JV Ejercito ng sampung milyon para sa itinayayong Baliwag Disaster Risk Reduction Management Building sa Baliwag Government Complex.

Si Senador JV Ejercito ay naglingkod din bilang PunongLungsod ng San Juan at aktibong tagapagtaguyod ng Jaycees International kung saan kabilang si Mayor Ferdie V. Estrella.

Makikita sa Larawan ang itsura ng itinatayong Baliwag Disaster Risk Reduction Management Building sa Baliwag Government Complex

Mga Manlalarong Baliwagenyo na Nagkamit ng Medalya sa CLRAA 2019, Pararangalan Bukas.

Nakatakda namang parangalan bukas sa Flag Ceremony ang mga Baliwagenyong Atleta na nagkamit ng medalya sa katatapos lamang na Central Luzon Regional Athtletic Association 2019 na ginanap sa Iba, Zambales.

Muling namayagpag ang koponan ng Bulacan matapos na ito ay muling tanghaling Over-All Champion.

Samantala, nakapag ambag naman ang mga Baliwagenyong atleta sa bilang ng medalya matapos na magkamit ng ginto sina Zeth Quiambao at Eisen Anouhsei dela Cruz sa Badminton. Ang Tilapayong Baseball Team naman ay nagkamit ng Silver.

Advertisements