Pinadalo sa nasabing BDRRM Plan review sina Ginoong Alvin Lee Asuro (MDRRMO), Engr. Nemencio De Leon (MPDC), Mr. Gerard Mhel Tolentino (SWO-III), at si Ms. Brenda Bernardo (PDO-III). Nasa nasabing Pagsisiyasat rin si Ginoong Jayfie Nasarro (MLGOO) ng DILG upang gabayan ang bawat barangay at ang Munisipalidad sa nasabing pag susuri ng OCD.
Pinangunahan ni Richard Santos (Plans and Programs Chief), Liezel Cayanan at Gerry Verdoz( Plans and Programs Staff) mula sa OCD.
Dinaluhan ng dalawamput anim na Barangay ang nasabing pagsusuri na binuo ng Barangay Secretary, Barangay Treasurer at Barangay Kagawad na responable sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ang mga nasabing Barangay na nagdaan sa matagumpay na BDRRM Plan Assessment ay ang mga Sumusunod:
Bagong Nayon, Barangca, Catulinan, Calantipay, Concepcion, Hinukay, Makinabang, Matangtubig, Pagala, Paitan,Piel, Poblacion, Pinagbarilan, Sto. Cristo, Sabang, San Roque, Sto. Niño, Sta. Barbara, Subic, Sulivan, Tarcan, Tangos, Tiaong, Tibag, Tilapayong at VDF.
Layunin ng nasabing Review and mapabuti at mapaigting ang kalidad ng mga BDRRMPlan sa bayan ng Baliwag, kung san magkakatuwang ang Lokal na Pamahalaang Bayan at bawat Barangay na magtitiyak sa Kaligtasan ng bawat Baliwagenyo.