Baliwag News Service

San Roque, Tibag, Makinabang at Tiaong, pasok sa semi finals!

Tiyak na hindi lang basta laro ang ipapakita ng apat na barangay at paniguradong quality game ang ibibigay ng import ng bawat team na siyang nagbibigay kulay sa 3rd MFVE Inter-Barangay Basketball League. Huwag din kalimutan ang mga manlalaro ng Baliwag na kapwa hindi nagpapahuli sa bawat laban. Pinangungunahan ni Saldaña #5 ng San Roque na hindi bumitaw at nagpakita ng magandang laro sa buong season na ito, Aris (Alapay) Rivera #4 ng Tibag na isa sa pinakamahusay na manlalaro ng Baliwag. Hindi rin pahuhuli si Inductivo #6 ng Makinabang na walang katakot-takot kahit gaano kalaki ang nasa harapan niya ay gagawa siya ng laro para sa team at ang finals MVP ng last season na si Javier #4 ng Tiaong na talagang hindi bumibitaw upang muli silang makapasok sa semi-finals.

Rank 1:      San Roque VS Rank 4:     Tiaong
Rank 2:      Tibag VS Rank 3:     Makinabang

Sa darating na Huwebes, Enero 24 sa ganap na 7:00pm magaganap ang unang laban ng semi-finals.

Sa kabilang banda, ang koponan ng Tibag at San Roque ay kapwa kailangan talunin ng kanilang kalaban ng dalawang beses para sila ay malaglag pero kapag sila ay nanalo sa unang harap pa lamang sila ay mag lalaro na sa championship game.

Tara na! at abangan ang lahat ng kaganapan sa LIGA NG BAYAN 3.

 

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.