Baliwag News Service

Pagtatapos ng 3rd MFVE inter-barangay Basketball League quarter finals

Advertisements

Bago magsimula ang quarter finals ay nangunguna ang Brgy. Tibag at Brgy. Sta. Barbara  sa ranking ng mga walang talo,  subalit naiba ang ihip ng hangin para sa Brgy. Sta. Barbara na walang naging panalo pagdating ng quarter finals. Samantala, ang Brgy. Tibag naman ay namayagpag pa rin at ngayon ay nasa ikalawang pwesto sa standing ng final 4, subalit nang naganap ang paghaharap ng  Brgy. Tibag at San Roque ay nanaig  ang team ng San Roque sa score na 116-85. Nagpaulan ng mga 3 point shots ang import ng San Roque (Bulanadi #18) kung saan siya ang tinanghal na best player of the game na naging dahilan upang sila ang tanghalin na rank 1 sa gaganaping crossover match sa pagitan ng Brgy. San Roque laban sa the defending champion na Brgy. Tiaong. sa January 24 para sa unang laro, at Brgy. Tibag naman laban sa Brgy. Makinabang para sa ikalawang laro.

Muli ay nagbigay ang ating Mayor Ferdie V. Estrella ng isang maayos at magandang palaro ng Basketball. Sa pagtatapos ng quarter finals ay lubos ang pasasalamat sa mga Barangay na nagbigay ng suporta sa mga tao sa likod ng paligang ito sa pangunguna ni Baldo Torres, officer-in-charge ng Sports at kanyang mga kasamahan.

Final Ranking.

Barangay Win Loss Rank
Makinabang 5 2 3
Sabang 1 6  
San Roque 6 1 1
Sta. Barbara 0 7  
Subic 3 4  
Tiaong 5 2 4
Tibag 6 1 2
Virgen 2 5  
Advertisements