Baliwag News Service

Quarter finals ng 3rd MFVE Inter-Barangay Basketball League, nagsimula na!

Quarter Finals Sports

Matindi ang naging laban noong Enero 6, 2019 kung saan napili na ang mga teams na maghaharap para sa quarter finals ng 3rd MFVE inter-Barangay Basketball League. Ito ay kinabibilangan ng mga Barangay  Virgen de las Flores, Subic, Makinabang, Tibag, Sabang, Sta. Barbara, Tiaong  at San Roque na kapwa ginawa ang lahat makabilang lang sa inaabangang Quarter Finals.

Noong araw ding iyon sa oras na ika-6 ng gabi naganap ang ang unang laban sa pagitan ng Brgy. Virgen de las Flores at Brgy. Subic na kung saan tinanghal na panalo ang Brgy. Subic sa puntos na 95-86 laban sa kalabang barangay.

Pagkatapos ng unang laban ay isang magandang paghaharap ang nangyari sa pagitan naman ng Brgy. Makinabang at Brgy. Tibag. Si Aris Rivera #4 ang tinanghal na best scorer of the game na nakapagtala ng 31 puntos na siyang dahilan upang sila ang tanghalin panalo sa laban na ito. Ang score ay nagtapos sa 101-90 laban sa Brgy. Makinabang.

Sa sumunod na araw naman, Enero 7, 2019 ginanap ang ikalawang araw ng quarter finals. Sa unang laban nagharap ang Brgy. Sabang at Brgy. Sta. Barbara. Hindi nagpatalo ang Brgy. Sabang at nagtala ng puntos na 87-68 na siyang dahilan upang manalo laban sa team Brgy. Sta. Barbara.

Pagkatapos ng 1st game ay sinundan naman ng laban ng team Brgy. San Roque at Brgy. Tiaong na kapwa nagbigay ng magandang laro at dikit na laban na nagtapos 88-84 kung saan itinanghal na panalo ang Brgy. Tiaong.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.