Baliwag News Service

2018 in Review: Buhay na Buhay ang Diwa ng Dugong Baliwag, Pusong Baliwag

Dugong Baliwag, May Puso sa Kabayinahan

Noong nagsisimula pa lamang si Mayor Ferdie Estrella sa kanyang panunungkulan ay madami ang nagtatanong kung bakit nga ba ang kanyang mga kuha sa litrato ay yung mga patong ang kanang kamao sa kaliwang dibdib. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ayon kay Mayor Ferdie, “iyon ang dapat magpapaalala sa atin na dapat mahalin o kaya ay pagmalasakitan natin ang bayan natin, ganoon din ang ginagawa natin kapag kakantahin natin ang Lupang Hinirang ‘dba? Kaya naman naka sarado ang ating kamao ay upang maging paalala sa atin na kailanman ay higit pang pagaalabin ang ating pagmamahal sa ating bayan na siyang nagbigay sa atin ng mayayamang karanasan kaya’t handa nating ipaglaban at itaya ang buhay sa sino man na sumubok na pigilan, putulin o kitilin ang magagandang adhikain nito.

Katulad ng mga sumusunod na kwentong ito na tunay na bumuhay sa diwa ng Dugong Baliwag, Pusong Baliwag. Ang kwento nina Emmanuel, Marcelino at Danilo ay umantig, tumimo at nagpabilib hindi lamang sa mga Dugong Baliwag, Pusong Baliwag kung hindi sa buong bansa. Sila ay mga buhay nainspirasyon sa atin dahil naisabuhay nila ang diwa ng serbisyong may malasakit. Hndi alintana ang pangamba sa buhay; o kaya ay ang matinding pangangailangan; o kahit nga walang nakakakita at walang gumagawa ay kaya nilang ipadama ang malasakit sa kapwa.

Si Emmanuel Romano ng Solid Waste Mgt. Unit

Pagpasok pa lang ng taon ay bumulaga na sa atin ang istorya ng pagsauli ng halos kalahating milyon ni Emmanuel, isang kawani mula sa Solid Waste Management Unit ng Baliwag. Isa lamang siya sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na sinaluduhan at kinilala dahil sa kanilang katapatan at ang hindi pagkasilaw sa pera tulad naman ni Ferdinand na isa naman kawani mula sa GSO-Maintenance na nakapag sauli ng naiwang wallet ng isang taxpayer.

Panoorin ang istorya ni Emmanuel Romano sa link na iyan mula sa pagbabalita ng Baliwag Web TV.

Ang Tricycle Driver na si Marcelino Villamor

Good Samaritan nga ang tawag kay Marcelino Villamor na isang Baliwagenyong tricycle driver. Matapos na makita mula sa command center kung saan naroon ang mga cctv monitors ng Baliwag na kanyang itinatawid ang isang matandang hirap tumawid sa kalsada ay agad itong ipinost ng Public Assistance and Complaint Center upang pamarisan ng iba pa. Tugon nga ito sa Good Deed Project ng Pamahalaang Bayan na kilalanin ang mga Baliwagenyong nagpamalas ng mabuting at katangi-tanging gawain nang pamarisan ng lahat.

https://baliwagnewsonline.com/wp-content/uploads/2019/01/export_720_30_14_39-1.mov

Narepost ng iba’t-ibang media outfit ang video na ipinost ng Baliwag Public Asssistance and Complaint Center at umabot ito ng mahigit 2 Million Views. Panoorin ang link na ito ng Manila Bulletin – Repost Baliwag Good Samaritan

Naririto ang link ng ulat ng Baliwag WebTV Good Samaritan ang Baliwagenyong Tricycle Driver

Danilo San Pedro

Sino nga ba ang makakalimot kay Mang Danilo San Pedro? Ang Mr. Kuryente Man na nagligtas sa buhay ng isang Grade 5 Student ng Concepcion Elementary School na nakuryente sa tapat ng kanilang mismong bahay. Hindi alintana ang bigat ng kuryente, tiniis niya ang hapdi at bigat ng boltahe ng kuryente upang mailigtas lamang ang batang nakahandusay na sa nagbahang kalsada. Naririto ang mga links mula sa iba pang media organization na nagbalita dito Aksyon TV 5 News Bata Nakuryente ng Lumusong sa Baha, GMA Balita Nailigtas Bata Nailigtas sa Pagkakakuryente


Ang pagkilala kay Emmanuel, Danilo at Marcelino ay pagkilala sa diwa ng dugong Baliwag, Pusong Baliwag dahil iyan ang pinakabuod ng mga salitang iyan…ang dugong Baliwagenyo ay may malasakit sa kapwa niya Baliwagenyo; hindi niya ito pagmamalabisan bagkus ay bibigyan; hindi pagdadamutan; bagkus ay bukas-palad; hindi gagawin ang tama kung may nakakakita lamang bagkus gagawin niya ang tama sa lahat ng panahon; hindi pagnanakawan bagkus ay pagmamalasakitan; at hindi papatay bagkus ay handang ibigay ang sarili para sa iba o sa bayan. Iyan ang pusong Baliwag.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.