Baliwag News Service

2 residential unit, natupok sa pagpasok ng unang linggo ng taon

Advertisements

Wala man naitalang namatay o napinsala dahil paputok nitong nagdaang bagong taon, ilang sunog naman ang naitala ng Baliwag BFP sa unang linggo pa lang ng pagpapalit ng taon.

Isa na rito ang nangyari sa Brgy. Sabang, Baliwag Bulacan na nagmula sa tawag ng Public Assistance and Complaint Center (PACC). Dalawang (2) resedential unit ang natupok at sumasailalim pa sa imbestigasyon sa sanhi ng pinagmulan na nagsimula bandang 10:09 ng gabi at direklarang fire out bandang 11:20 ng gabi.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy at tinatayang nasa humigit kumulang 3,000,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog na umano’y nagsimula sa isang bahay. Wala namang buhay ang nawala ngunit may isang sugatan na nagtamo ng pinsala sa kanyang kaliwang binti na si Joselito Reymatias, 51 anyos na agad namang nalapatan ng pangunang lunas ng Baliwag Rescue FVE.

Sa tuwina ay nagpapaalala ang Baliwag BFP katuwang ang Baliwag Rescue FVE ukol sa mga pagiingat sa sunog sa ating mga kabahayan tulad na lamang ng pag iwas sa pagsaksak ng mga appliances sa iisang outlet o “octopus connection” dahil maari itong magresulta ng overloading na posibleng pagmulan ng sunog. Iwasan din ang paninigarilyo sa loob ng tahanan dahil maaring magdulot ng sunog ang napabayaang baga nito.

Ilan lamang ang mga ito sa mga maaring gawing pagiingat sapagkat sa isang insidente ng sunog, buhay at ari-arian ang posibleng mawala.

Advertisements