historical

Mayor Ferdie sa mga Milenyals: Maghanda sa Pamununo at Paglilingkod. Huwag Tularan ang mga Utak Talangka.

Advertisements

Ang kabuuan ng programa mula sa pagtataas ng Bandila ng Pilipinas hanggang sa talumpati ni Punongbayan Ferdie V. Estrella.

Sa kanyang talumpati, ibinida ni Mayor Ferdie kung paano nga niya pinalakas ang mga milenyal tugon sa mga pangaral ni Gat Jose Rizal na mula sa mga kabataan ang pag-asa ng bayan, ang magtutuloy at higit na magpapatibay sa mga programa niyang itinatag.

Mula nga sa programa sa ECCD hanggang sa libreng kolehiyo ay inihahanda ng Baliwag ang mga milenyal sa pagsalin sa mga susunod na yugto ng maningning na kasaykasayan ng ating bayan.

Bilang panghuli, kaniyang pinasaringan ang grupo na pilit hinahatak pababa ang mga pagkilala at parangal na natamo ng Bayan ng Baliwag mula ng tanghalin itong 9th Most Competitive First at Second Class Municipality hanggang sa pagkakamit ng Seal of Good Local Governance sa magkasunod na taon. Ani Mayor Ferdie, “patunay lamang na hindi ito tsamba, kung hindi bunga ng kultura ng serbisyong may malasakit na ating nasimulan – ang pagiging magiliw, maagap, mahusay, maaasahan at magkakatuwang ang siyang naging susi sa ating tagumpay.”

Bilang pangwakas kanyang hiniram ang mga salita ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra, mula sa nobelang Noli Me Tangere na isinulat ni Rizal at ang sabi: “nararapat lamang na mahalin ko ang Bayan ng Baliwag, dahil utang sa kanya ang aking buhay at kasiyahan, at sa kadahilanang ang bansa ay dapat lamang mahalin ng sinoman.” (Wakas)

Advertisements