Baliwag News Service Business Friendly

The Buzz: National U, Puregold, Acacia Hotels, Savemore, SMDC, SnR, Robinsons, Waltermart sa Baliwag

Advertisements

Manila – Matapos nga ang maganda at matibay na kapasiyahan na maibenta ang Baliwag sa mga imbestors matapos nga na maisaaayos ang mga sistema sa Pamahalaang Bayan ay isa-isang nagpahayag ng interes ang mga kumpanya na mamuhunan sa Baliwag.

Ayon kay Karenjoy Rivera, Investment Promotions Unit Head, “effectively, Baliwag poised itself to surpass whatever it acheived last year. Nag improve or nasustain ng mga lead offices ang kanilang pamantayan na siyang basehan ng Quality Policy na pinaiiral ngayon.”

Sa Competitiveness ay nahigitan nito ang dating pwesto na pang 42 noong 2017 ay naging pang 9 over-all ito. Top 2 naman sa Infrastracture Development at Pang 10 sa Governance Efficiency. Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index ang isa sa mga ginagamit na batayan ng mga namumuhunan.

Ayon kay Municipal Administrator Enrique Tagle, “naturally investors would want a stable, predictable and competitive investment climate. They also look for efficiency and innovativeness of the local government. So when you speak of competitiveness, the measures are seen through each of the four pillars namely: economic dynamism or how robust the local economy is; infrastracture development or how the government and the private sector build up on vital resources for the business such as quality of internet, mobile phones, road network, energy and water; government efficiency or how the government strive to manage change, standardization, process improvement, awards; and lastly, resiliency or the ability of the government, business community and its people to rebound after a disaster,” pagtatapos ni MA Tagle.

Samantala, naniniwala naman si Mayor Ferdie na hindi lalaon ay makikita at mararamdaman ng mga Baliwagenyo ang epekto ng pagsusumikap ng kanyang administrasyon na makahikayat ng maraming imbestors. “Nakapagmeeting na kami at masaya at excited na mamuhunan ang mga may-ari sa Baliwag. Nakita nila ang transpormasyon sa loob lamang ng dalawang taon. Ngunit, hindi pa din tayo titigil na mapabuti ang serbisyo. Kaya’t maaaring magmessage sa akin kung mayroong mga hindi magandang gawain ang aming mga empleyado o opisyal ng barangay at nasyunal,” masayang ikinuwento ng Alkalde.

Advertisements