Baliwag News Service

Brgy. Tarcan, muling kinilala sa 2018 Gawad Galing Barangay!

Gawad Galing Bulacan 1

Muling hinirang na “trailblazing” ang Brgy. Tarcan para sa kanilang proyektong pambarangay na Alalay sa Mag-aaral sa ginanap na ika-18 Gawad Galing Barangay nitong Disyembre 12, 2018 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos Bulacan.

Sa ikalawang taon, muling kinilala ang galing ng programang Alalay sa Mag-aaral para sa kategoryang Gawaing Pambarangay na mabisang nakapaghatid ng pagbabago at solusyon sa suliraning pambarangay. Ito ay may pakikipagtulungan sa tao, may tiyak at positibong resulta, patuloy na maipapatupad kahit na may pagbabago sa liderato, kayang gayahin ng iba, at may kabaguhan at pagkamalikhain na nakakasabay sa makabagong takbo ng pagbibigay serbisyo publiko.

Gawad Galing Barangay 1

Kasabay nito, kinilala rin muli si Kap. Ariel Cabingao bilang finalist sa Gawad Galing Punong Barangay. Ito ay isang malaking patunay sa kanyang kahusayan sa paglilingkod at galing ng mga programang ipanatutupad sa kanyang barangay. Kasama rin ni Kap. Ariel ay kinilala rin sa naturang programa si Hepe Crispin Vineza bilang Gawad Galing Barangay Tanod.

Ang mga parangal na ito ay patunay sa pag-angat ng kalibre at kalidad ng paglilingkod mula sa pamahalaang bayan hanggang sa bawat barangay. Tunay ring naipapamalas na ang kultura ng Serbisyong May Malasakit ay talaga namang buhay na buhay at isinasapuso ng lahat ng mga lingkod bayan sa Baliwag.

 

*Photo credits to: Liga ng mga Barangay sa Bulacan Facebook Page

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.