Baliwag News Service

Baliwag, nagpatupad na ng Christmas Lanes

Advertisements

Nagsimula nang ipatupad ang Christmas Lane Route sa bayan ng Baliwag, matapos aprubahan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) ang mungkahi ng Baliwag Traffic Management Office (BTMO) sa 4th Quarterly Meeting ng MPOC-MADAC kamakailan.

Maaari nang gawin at daanan ang mga aprubadong ruta simula ngayong ika-17 ng Disyembre 2018 upang maiwasan ang volume ng mga sasakyan bunsod ng mga gawaing pangkapaskuhan.

Sa presentasyon ni BTMO Officer Chippy Pineda para sa LACA Route (mga sasakyan mula D.R.T. Highway): Lahat ng sasakyan galing sa DRT Hi-way ay hindi pinapayagang kumaliwa sa Lopez Jaena St., sila ay dapat dumaan sa P. De Guzman at liliko pakaliwa sa J. Buizon. Pagkatapos kumaliwa sa J. Buizon, kakaliwa muli sa P. Angeles at kaliwa ulit sa Lopez Jeana. Pagkaraan ay kakanan sa P. De Guzman pabalik ng DRT Hi-way.

Para naman sa LACA Route (mula P. De Guzman St.): Lahat ng sasakyan na papuntang DRT Hi-way o sa may LACA ay dapat kumanan sa J. Buizon St. Kaliwa sa P. Angeles, kaliwa ulit sa P. Angeles at Lopez Jaena. Kaliwa sa P. De Guzman kung papunta sa LACA o kanan papuntang DRT Hi-Way.

Ang mga Public Utility Tricycles mula South: Lahat ng tricycle na manggagaling sa Makinabang, Sta. Barbara at San Jose, gamit ang San Jose St., ay dapat kumaliwa sa La Rosa. Kanan sa Gil Carlos St., kanan muli sa Tagle St. Sila ay dapat magbaba ng mga pasahero sa panulukan ng Tagle St., at San Jose St. Matapos magbaba ng pasahero, ang mga tricycle ay dapat kumanan sa San Jose St., at bumalik sa terminal na nakatalaga sa kanila.

Sa Aquino Avenue naman (Option A): Lahat ng mga tricycle na may lulang pasahero ay maaring bagtasin ang B.S Aquino Avenue. Ngunit ang mga tricycle nawalang pasahero ay hindi maaring dumaan sa B.S Aquino Avenue sa halip sila ay dapat nang lumiko sa Daang Bakal St., at kumaliwa sa Lopez Jaena St. Ang rutang ito ay ipapatupad mula ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.

Sa Aquino Avenue pa rin (Option B): Lahat ng tricycles na manggagaling sa Baliwag Fly-over ay hindi maaring dumaan sa Aquino Avenue. Sila ay dapat nang lumiko sa Daang Bakal St. Lahat lamang ng tricycle papuntang DRT Hi-way ang papayagang dumaan sa B.S Aquino Avenue.

Para naman sa mga sasakyang mula Baliwag papuntang Bustos: Ang mga sasakyang manggagaling ng Baliwag papunta ng Bustos ay dapat dumaan sa Mabini St., at kumanan papunta ng Linmers Compound.

Sa mga sasakyang mula Bustos papuntang Baliwag Town Proper: Ang mga sasakyang galling Bustos papunta ng Baliwag ay dapat lumiko pakaliwa ng A. Mabini St., at kumanan sa L.M Guerrero St., F. Lara St., and J.P. Rizal St.

Sa mga sasakyang mula Baliwag papuntang San Rafael, Subic, Sabang etc.: Lahat ng sasakyang papunta ng San Rafael, Subic, at Sabang ay dapat tahakin ang Dr. Gonzales. Sila ay hindi pwedeng dumaan sa F. Lara St., at L.M Guerrero St., maari silang kumanan sa Osmena St., o V. Gonzales St.

Sa mga sasakyang galing Bustos patungong Baliwag o San Rafael: Sasakyang manggagaling Bustos papuntang San Rafael at /Sabang ay maaring kumanan sa A. Mabini St.

Ang mga sasakyang manggagaling Bustos papuntang Baliwag Fly-over at SM City Baliwag ay maaring kumanan sa A. Mabini St., kakaliwa sa V. Gonzales St., diretsong DRT Hi-way.

Sa mga sasakyang mula San Rafael papuntang Bustos: Ang mga sasakyang galing San Rafael papuntang Bustos ay maaring bagtasin ang A. Mabini St., matapos ay kumaliwa sa Linmers Compound.

Mga sasakyang galing mula San Rafael papuntang Baliwag Town Proper: Ang mga sasakyang galing San Rafael papuntang Baliwag ay maaring kumanan sa V. Gonzales (Public Jeepney) at Osmena St., (Public Tricycles) ay maaring kumaliwa sa Plaridel St. at M. Ponce.

Ayon naman kay Mayor Ferdie, mahalaga na magkaroon ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding daloy ng trapiko at upang magkaroon isang maayos, matiwasay at masayang Pasko ang bawat pamilyang Baliwagenyo.

###

Advertisements