Baliwag News Service

Bayugan City, Agusan Del Sur, nag-benchmark sa Baliwag!

Advertisements

Isang grupo mula sa lokal na pamahalaan ng Bayugan City, Agusan Del Sur ang nag-benchmark sa bayan ng Baliwag nitong Miyerkules, Disyembre 5, 2018 upang makakuha ng dagdag kaalaman sa iba’t-ibang sangay ng pamamahala at sa Septage Management Program ng Baliwag Water District (BWD).

Mainit na tinanggap ni Mayor Ferdie ang mga Konsehal, mga hepe ng tanggapan at mga kawani mula sa Bayugan City at kanyang ibinahagi sa kanila ang mga magagandang pagbabago na ipinatutupad sa Baliwag sa pamamagitan ng pagpapakita ng audio-video presentation na may kinalaman sa iba’t-ibang mga programa sa mga sektor.

Dagdag pa rito ay ibinida rin niya ang mahusay na pamamahala sa Baliwag Water District na kamakailan lamang ay hinirang rin bilang Best Water District – Class A para sa taong 2018. Sa katunayan, isa sa tagapagpahiwatig ng mahusay na mga programa at uri ng pamamalakad ng BWD ay maraming water district, mga probinsya at siyudad ang bumibisita at nagsasagawa ng benchmarking activity dito.

Ilan lamang sa mga bumisita sa pasilidad at nag-benchmark sa Baliwag Water District ay ang Davao City, Metro Cebu, Tagbilaran, Puerto Prinsesa, Cabanatuan, San Jose Del Monte, at kabilang na rin ang mga bansa na nakatanggap ng ayuda sa USAID tulad ng Nepal, Bangladesh, Indonesia, and Cambodia.

Tunay na ikinagagalak at malugod na tinatanggap ni Mayor Ferdie ang pagbisita ng iba’t-ibang mga bayan sa sapagkat nakikilala ang Baliwag sa magandang uri ng pagbibigay serbisyo at pamamalakad sa pamahalaan at aniya ay mas lalong higit na nakakataba ng puso ang malaman na hindi lamang siya nakakatulong sa kanyang bayan kung hindi pati na rin sa mas marami pang lugar sa bansa.

Advertisements