LIGA NG BAYAN 3

Advertisements

Inter-barangay 3rd MFVE Basketball Update.

1st game:

sa pag uumpisa ng laro ngayon araw. ito ay uumpisahan ng team ng Poblacion at Paitan.

Sa 1st Quarter pa lang mainit na laban ang bigay ng dalawang team na nagbigay ng malaking puntos ang import ng poblacion na si Aybay na may 10 para mag karoon ng score 18-16.

nanatili ang dikitan ng score sa pagitan nga Poblacion at Paitan sa pagtapos ng 2nd quarter nanatili ang lamang ng poblacion  na 5 puntos sa score na 37-32.

mas lalong humigpit ang depensa ng poblacion sa pag pasok ng 3rd quarter na nag panatili sa kanilang lamang. sa kabilang team naman hindi bumitaw si Mananghaya #11(paitan)  na nagtala ng score na 12. pero hindi naging sapat ang kanilang depensa laban kay Carlos#12 na gumawa 10pts at natapos ang 3rd quarter sa score na 66-42

sa pag tatapos ng mainit na laban ng poblacion sila ay tinanghal na panalo sa score na 91-73 sa pangunguna ng kanilang import na si Aybay na may puntos na 29.

sa ngayon ang  team standing ng poblacion ay 3-1 at ang Paitan ay 0-3.

2nd game:

sa pag uumpisa ng 2nd game ang team ng Pagala ay may team standing na 1-1 at ang team ng Sto. Niño ay may team standing na 0-3

Nanaig ang team ng Pagala laban sa Sto. Niño sa score na 75-48.

Noong 1st quarter lumamang ng 6 na puntos ang team ng Pagala. sa score na 16-10 sa pangunguna ni Cabrera.

sa sumunod na quarter nag pakitang gilas si Tadi #9 ng team Sto. Niño na nag bigay ng puntos na 7 pero hindi bumitaw ang Pagala at nanatili ang kanilang malang sa score na 37-22 na pinangunahan naman ni Banan #17 na may puntos na 9.

sa pag pasok ng 3rd quarter lubos na lumamang ang Team ng Pagala sa Sto. Niño na may score na 59-32 sa pangunguna ni Gonzales # 9 na may puntos na 6.

at sa dulo nag laro tinanghal na panalo ang Pagala na my puntos na 75-48 at team standing na 2-1 at sto. Niño na 0-4.

3rd game:

Sulivan vs Matangtubig tinanghal na panalo ang team ng Matangtubig sa score na 72-59.

noong 1st quarter nagpakita ang matangtubig ng dikit na score sa Sulivan sa score na 20-15 na nakapag bigay ng 5pts. si Santos #15 ng Makinabang.

pag pasok ng 2nd quarter lumamang ng 15 pts ang matangtubig sa score na 41-26 nagbigay ng malaking puntos si Quizon #8 ng 8 puntos.

sa 3rd quarter pinilit lumaban ng team ng sulivan sa score na 62-31 pero nanatili ang paninindigan ng matangtubig at binigay nilang ang lahat manatiling lamang sa kanilang kalaban.

sa pagtatapos ng laban tinanghal na best scorer si Quizon #8 (Matangtubig) na may kabu oang puntos na 21 at natapos ang game sa score na 72-59.

4th game:

Muling nag pakita ng lakas ang team Makinabang. sa unang quater lumamang ang Makinabang sa score na 26-12 sa pangunguna ni Espino #7.

Pag dating ng second quarter nanatiling ang pagiging lamang ng Makinabang laban sa team ng Pinagbarilan sa score na 51-29 sa pangunguna ni Joson # 9.

sa third quarter hindi bumitaw ang pinagbarilan para magkaroon ng magandang laban sa score na 69-47 na nagbigay ng 7 points si Sangare (import makinabang) para manatili ang kanilang lamang.

pag dating ng 4th quarter tinanghal na best scorer of the game ang import ng Makinabang sa pag kakaroon ng 16 na puntos. kaya tinanghal na panalo ang team makinabang sa score na 90-63.

 

salamat sa pag subaybay sa atin Paliga ng Bayan..