Baliwag News Service

WENDY’S, DOMINO’S PIZZA, NAGBUKAS NA SA BALIWAG!

Magkasunod na binuksan ang dalawang global food brands na Wendy’s at Domino’s Pizza sa Baliwag nitong nakaraang Nobyembre 23 at 28, 2018.

Si Mayor Ferdie Estrella mismo ang nagpasinaya sa grand opening ng dalawang bagong negosyong binuksan sa bayang ito.

Ang pagpasok ng dalawang fast food chains ay nagdulot ng kasiyahan sa mga Baliwagenyo na hindi na kailangang dumayo pa sa malayong lugar para makakain dito.

Ikinatuwa naman ng mga bagong  namuhunan ang  mainit na pagtanggap at pagtangkilik ng mga tao na dumagsa at pumila sa pagbubukas nito. Sa katunayan ay patuloy na nararamdaman ang suporta ng mga Baliwagenyo sa walang patid na pila at sa dami ng mga kumakain sa kanilang branch dito.

Ang pagbubukas ng mga internasyonal na mga food chain na ito ay malaking patunay sa tiwala at kumpiyansa na ibinibigay ng mga negosyante sa bayan ng Baliwag. Para kay Mayor Ferdie, malaking bahagi ng pagpasok ng mga namumuhunan sa bayan ay ang epektibo at wastong pagpapatupad ng mga programa o Ease of Doing Business para mapadali ang pagnenegosyo sa Baliwag.

Ang Wendy’s na kilala sa kanilang mga burgers at sandwiches ay matatagpuan sa SM City Baliwag samantalang ang Domino’s Pizza naman ay nakahanay sa B.S Aquino Avenue, Baliwag Bulacan.

Advertisements