Baliwag News Service

Mga Batang Baliwagenyo, binigyang saya ni Mayor Ferdie Estrella.

Kaugnay ng pagdiriwang ng 26th National Children’s month, isinagawa ang 2nd Baliwag Kid’s Day Out sa Star Arena nito lamang Nobyembre 27, 2018. Isang araw na hitik sa sorpresa at kasiyahan ang binigay ni Mayor Ferdie V. Estrella para sa mga batang mag-aaral sa day care. Nagpamalas ng kani-kanilang talento sa pag-sayaw, pag-kanta at pag-tula ang mga bata at pagkatapos ay masaya silang nanood ng mascot, puppet at magic show.

Libre ang nasabing programa alinsunod pa rin sa pinaiiral na alituntunin ni Mayor Ferdie na “Zero Collection” para sa ating Early Childhood Care and Development”o “Daycare Services”.

 

-artikulo ni : Gerard Tolentino / SWO-III

 

Advertisements