Baliwag News Service

Mayor Ferdie, Inaprubahan ang Pagbili ng Lupa para sa Pagala HS, Hinukay Integrated School.

Baliwag, Bulacan – Tugon sa plano ni Mayor Ferdie Estrella na ilapit ang mga highschools sa mga barangay upang hindi na kailanganin na lumayo pa ang mga mag-aaral, inaprubahan na nga ni Mayor Ferdie ang pagbili ng lupa para sa Pagala High School. Mananatili naman ang paaralang elementarya sa Tangos at sa Pagala naman ang magiging High School base sa rekomendasyon ni Baliwag North District Supervisor Dr. Arceli Ralleta.

Samantala, inaprubahan din ni Mayor Ferdie ang pagbili ng lupa sa Brgy. Hinukay upang idagdag at mapalaki ang kasalukuyang sukat nito upang tayuan ng karagdagang gusali bilang paghahanda sa pagkakaroon ng sariling high school.

Advertisements