3rd Season ng MFVE “LIGA NG BAYAN” Inter Brgy. Basketball league muli na namang naging MATAGUMPAY!

Advertisements

Isang matagumpay na pagbubukas ng isa sa pinakamalaking liga sa kasaysayan ng larong basketball sa bayan ng baliwag ang “3rd MFVE Inter Barangay Basketball League”.

Nito lamang ika-17  ng nobyembre araw ng sabado  sa ganap na ala una ng hapon ang lahat ng manlalaro sa paliga ay nagtipon-tipon sa SM Central Parking area upang doon magmula para sa parada ng mga manlalaro na binubuo ng 27 barangays na nasasakupan ng bayan ng baliwag ito ang ika tatlong pagkakataon  sa kasaysayan ng basketball sa bayan ng baliwag na muling makumpleto ang lahat ng mga brgy. na kung saan ay nagpapakita ng pagkakaisa ang mga baliwagenyo.

Ngayong taon ay dinagdagan ni Mayor Ferdie V. Estrella at ng Sports Development Office ang kasiyahan sa pamamagitan ng pag kakaroon ng tig 1 import ang bawat brgy. upang sa ganun ay maitaas ang antas ng kalidad ng paglalaro ng mga baliwagenyo na siguradong kasasabikan ng mga manunuod at manlalaro.

Pormal na pinamunuan ng ating mahal na punong bayan Ferdie V. Estrella ang pagbubukas ng 3rd season MFVE Inter Barangay “LIGA NG BAYAN”Basketball League. Ang programa ay sinimulan sa pagbungad panalangin at sinundan ng pambansang awitin ang lupang hinirang.

with Mayor Ferdie V. Estrella and SDO OIC Baldo T. Torres

Isa isang binangit ang mga bisitang konsehal ng ating bayan, sa pangunguna nila kon. Ding Dong Nilocas at Winika niya na “Dapat mag laro nang may pag galang sa kapwa manlalaro” sinundan ni kon. Edwin Bautista  at sinabi lahat nang kanyang mag aaral na maglalaro nang Basketball ay “unahin ang respeto kasi kung may respeto kayo sa kapwa nyo hindi nyo magagawang manakit” sinundan ni Ogie Baltazar, konsi Joel Pascual, konsi Lowell Tagle, Tita Cora Agustin, SK James viceo at iba pa.

Sumunod ay pag tawag at paghingi ng kanyang mensahe ang Ama ng Bayan Baliwag Mayor Ferdinand V. Estrellasana kung gaano kasaya ang opening natin sana hanggang huli ay manatiling masaya, pagbutihing mabuti ang inyong paglalaro siguradong may mararating kayo”.

Nag bigay ng mensahe ang ating Guest player Willie Miller na kung saan ay  nabanggit nya na sya ay  nagumpisa din sa barangay ang kanyang paglalaro at nag sipag at nagtiyaga bago sya nakarating sa PBA, kaya pinayuhan nya ang mga kabataang manlalaro na maging masigasig upang matupad nila ang kanilang mga pangarap pagdating sa basketball.

Ito ay sinundan ng Oath of sportsmanship na pinangungunahan ni  Willie Miller.

Isa sa pinaka aabangan parte ng programa ang pag rampa ng mga kandidata sa pag ka muse, ang tinanghal na panalo sa paligsahan ay ang  muse ng barangay Hinukay. na si Ms. eliza lagunero.

Para formal na buksan ang programa ito ay sinimulan ng ating butihing Mayor Ferdie V. Estrella  ang ceremonial toss.

Makalipas ang kinse minutos inumpisahan ang laban sa pagitan ng Barangay nang Tibag at Sabang, at tibag ang nagwagi sa pangunguna ng kanilang import nasi pba palyer na mula sa blackwater elites na si Renz Palma,  at Aries Rivera sa score na 82-80 in favor of brgy. tibag

Sumunod na laban ay ang Barangay ng Subic at Tiaong, nag pakita isang mahusay na laro ang tiaong pangunguna ni Earvin Javier dating finals MVP ng 2nd MFVE.

Sinundan ng isang mainit na laban sa pagitan ng Barangay ng Sta Barbara at San Roque. Tatag at tibay ng katawan ang pinamalas ng mga manlalaro ng barangay ng San Roque subalit hindi ito sapat para manalo sa kopunan ng barangay Sta Barbara. Muli nating suportahan ang liga ng bayan sa ika 3 taon at abangan ang magiging kampeon para sa taong ito. LIGA NG BAYAN KAMPIHAN NA!!!!!

Sa ngalan ng Serbisyong May Malasakit.