Baliwag News Service

Provincial Implementation Coordination Meeting 2018

Advertisements

Ang Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Panlalawigang Tanggapan ng Kalusagan-Public Health ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga tauhan ng kalusugan sa bawat bayan at lungsod ukol sa mga paglalapat ng mga kaukulang solusyon sa mga napapanahong problemang pangkalusugan ng ating mga kababayan. Ang lahat ng ugnayang ito ang siyang nagiging daan upang maitaas at mapaunlad pa ang mga pamamaraang pangkalusugan tungo sa malusog na mga bulakenyo.

Ang 3rd Quarter Province-wide Implementation Coordination Team (PICT) Meeting  ay ginanap sa Widus Hotel, Clarkfield , Pampanga noong Oktubre 22-23, 2018. Ang meeting ay umikot sa mga sumusunod na paksa:

  1. Rabies updates and new guidelines
  2. Data privacy act
  3. One system policy on EMR and eClaims: the eHatid LGU option
  4. Updates on REDCOP
  5. CBO’s for TB control program
  6. Results of measles outbrake response immunization
  7. VPD and vector borne surveillance
  8. Result of regional malaria assessmentArticle by: RHU Baliwag

Advertisements