Baliwag News Service

MFVE: “‘Isaisip, ‘Sapuso at ‘Sagawa ang Serbisyong May Malasakit”

Baliwag, Bulacan – Muling pinapaalala ni Mayor Ferdie sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na manatili sa mataas na pamantayan ayon sa serbisyong may malasakit. Ayon kay Mayor Ferdie: “Hindi dapat na kumawala sa ganoong sistema at pagpapahalaga dahil higit sa mga nakamit na parangal ng Baliwag ay ang maramdaman ng mamamayan ang klase ng serbisyong magiliw, maagap, mahusay, maaasahan at magkakatuwang. Lagi nating tandaan na pahalagahan ang biyaya at karangalan .na makapaglilingkod.”

BALIWAG HOTLINE

Ang publiko ay maaring magsumbong, magkomento o magbigay ng kanilang mga hinaing.

Ito rin ang dapat gamitin kung mayroon mga emergency situation maging ito ay man ay may kailangan ambulansiya o responde ng pulis o ng ating bumbero.

Ang Baliwag hotline ay nasa ilalim ng Public Assistance and Complaints Center na kung saan naroroon din ang Baliwag Command Center.

Bukod sa mga numerong 09175057827 — 09399997827 ay maari namang magpadala ng mensahe sa facebook page ni Mayor Ferdie Estrella sa www.facebook.com/ferdievestrella o maaaring magchat sa www.baliwag.gov.ph

Pagpapatupad at Disiplina

Samantala, inamin naman ni Mayor Ferdie Estrella na mahirap magpatupad ng mga alituntunin sa panahon ng eleksyon. Sa isang panayam ng BCNOS kay Mayor Ferdie, ikinababahala niya ang mataas na bilang ng mga naaasksidente sa lansangan gamit ang kanilang mga motorsiklo. Ito din marahil amg dahilan kung bakit ipinapatupad ng kapitolyo ang no helmet, no ride. Aniya, “hindi dapat masamain ng publiko ang minsan na pagsita dahil iyan ay may aral na dapat na ituro sa atin. Higit sa lahat mahalaga ang buhay, kaligtasan at seguridad ng bawat Baliwagenyo.”

Hindi po perpekto ang inyong lokal na pamahalaan. May mga limitasyon, pagkukulang ngunit sinusubukan naman nitong tugunan ang inyong pangangailangan. Kailangan lang talaga ay sama-sama tayo at may pagkakaisa,” pagtatapos ni Mayor Ferdie.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.