Baliwag News Service

Libreng Wi-Fi at sakay para sa Undas 2018

Handog ni Mayor Ferdie V. Estrella ang libreng Wi-Fi at sakay para sa libu-libong Baliwagenyo na dadalaw ngayong taon sa kanilang mga yumaong kapamilya para sa Undas 2018.

Gaya nang nakaraang taon ay pinakabitan muli ni Mayor Ferdie ng libreng Wi-Fi ang mga paligid ng sementeryo sa Baliwag upang magkaroon ng libreng access sa internet ang bawat isa na pupunta ngayong taon sa kanilang mga yumaong kamag-anak.

Maliban sa free Wi-Fi, mayroon din ulit na handog na libreng sakay ang lokal na pamahalaan na matatagpuan sa Star Arena, Baliwag, Bulacan para sa mga Baliwagenyo lalo na sa mga senior citizen at PWDs.

Samantala, handog din ng PayMaya para sa lahat ng may Baliwag Benefits (BB) Card ang mga libreng kandila. Kailangan lamang dalhin at ipakita ang BB Card sa mga PayMaya Booth na matatagpuan sa Pasalubong Center, Catholic Cemetery at Baliwag Municipal Cemetery upang makuha ang libreng kandila.

Hangad ni Mayor Ferdie V. Estrella na magkaroon ng isang matiwasay at maayos na Undas ang bawat Pamilyang Baliwagenyo nang makapagbigay galang at pugay sila sa kanilang mga yumaong kapamilya at sila ay makapagsama-sama upang alalahanin ang kanilang mga namayapang kamag-anak.

Para naman sa mga insidente na mangangailangan ng agaran na tugon ay maaaring tumawag sa Baliwag Emergency Hotline – 09175057827 at 09399997827.

 

####

Advertisements