Baliwag News Service

PVL sa Star Arena muling Umarangkada!

Muli na namang nasaksihan ng mga Baliwagenyo ang matinding bakbakan ng manlalaro ng Premiere Volleyball League kahapon, ika-21 ng Oktubre sa Baliwag Star Arena. Hindi na bago ang ganitong mga kaganapan sa Baliwag mula ng mapabilang ang Baliwag Star Arena sa mga paboritong paglaruan ng mga basketbolista, volleyball players at iba pa.

Ilang oras pa lamang matapos i-anunsyo ng Pamahalaang Bayan na available na ang tickets para sa inaabangang tapatan ng mga manlalaro ng PVL ay nag-sold out na agad ito –patunay na labis ang hilig at suporta ng mga Baliwagenyo sa mga ganitong uri ng sports.

Mainit na inabangan ng Baliwagenyo fans ang kani-kanilang idolo lalo na ang crowd favorite na si Allyssa Valdez mula sa Creamline Cool Smashers. Napuno ng ingay at saya ang buong star arena ng i-cheer ng mga Balwiagenyo ang kani-kanilang idolo lalo na kapag ito ay nakakapuntos.

Sa huli ay nagwagi ang Creamline Cool Smashers laban sa Ateneo-Motolite matapos ang 3 set sa score na 23-25/ 17-25 / 14-25. Kabilang din sa naglaro na kopunan ang Pocari Sweat Airforce at BanKo Perlas.

“Nakaktuwang isipin na hindi na kailangan pang dumayo sa ibang lugar ng mga Baliwagenyo para lamang makapanuod ng mga ganitong laro dahil mismong manlalaro na ang dumadayo sa atin as we hold a sports facility that is at par of their standards” buong pagmamalaki ni Mayor Ferdie sa isang interview.

Matatandaan na hindi lamang PVL ang naglaro sa Baliwag Star Arena, naglaro na din dito ang san Miguel Beermen laban sa Rain or Shine para sa isang out season game. Ilang beses na din itong nagsilbing home court para sa Gilas Pilipinas sa ginanap na Asian Basketball League at kamakailan lang din ay ginanap dito ang Maharlika Pilipinas Basketball League kung saan nagtunggali ang Bulacan Kuyas-Mighty Sports at Rizal Crusaders.

Advertisements