Baliwag News Service

Mga Propesor mula sa PUP, nag-benchmark sa Baliwag

PUP BM 1

Isang grupo ng mga propesor at researcher mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Sta. Mesa ang bumisita sa bayan ng Baliwag para sa isang benchmarking activity sa mga programa ng pamahalaan nitong Biyernes, Oktubre 26, 2018.

Malugod na tinanggap ni Mayor Ferdie ang mga bisita at ibinahagi ang mga magagandang pagbabago na ipinatutupad sa Baliwag. Kanya ring ipinagmalaki ang ika-sampung taong pagkakatatag ng Baliwag Polytechnic College (BTech) na patuloy na naghahandog ng scholarship para sa mga kolehiyong taga-Baliwag.

Ibinida rin ng mga hepe ng tanggapan ang kanilang mga programa at best practices sa pamamagitan ng pagpapakita ng audio-video presentation na may kinalaman sa financial administration, business friendliness at competitiveness, social protection, environmental management, at disaster preparedness.

Napabilib ang mga taga PUP sa mga trailblazing projects ng administrasyon ni Mayor Ferdie tulad ng konsepto ng Palit Basura Stores, mga trabahong naihahandog sa pamamagitan ng magandang socio-economic environment sa bayan, at mga programa sa social sector tulad ng Baliwag Benefits card at libreng sine sa Senior Citizens.

Dagdag pa sa ginawang talakayan ay binisita rin ng mga taga PUP ang iba’t ibang lugar sa Baliwag tulad ng St. Augustine Parish Church, at ang mga pasilidad at mga opisina sa Munisipyo ng Baliwag.

Hindi na rin bago sa bayan ng Baliwag ang mga isinasagawang benchmarking activity ng iba’t-ibang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. Sa katunayan, kamakailan lamang ay nagsagawa rin ng kaparehas ang Ateneo De Manila University sa Pamahalaang Bayan. Ito ay isinasagawa upang mag-kalibrate ang mga institusyon sa kanilang mga programa at makakuha rin ng dagdag kaalaman sa iba’t-ibang sangay ng pamamahala.

PUP BM 2

PUP BM 3.jpg

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.