Baliwag News Service

Mayor Ferdie Muling Pinarangalan!

Advertisements

Muling kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang effort ni Mayor Ferdie sa pagtataguyod at pagsuporta sa mga programa at gawaing pangkabataan.

Kasabay ng pag-gagawad ng mga parangal para sa mga Gintong Kabataang Bulakenyo na ginanap noong Byernes, Oktubre 19, 2018 sa Hiyas Pavillion Center ay iginawad kay Mayor Ferdie sa pangalawang pagkakataon ang Most Supportive Mayor on Youth Programs Award bilang pagpupugay sa kanyang dedikasyon at suporta sa mga proyektong naglalayon sa paghubog ng mga kabataan.

Ilan sa mga programang ito ay ang pagpapasigla ng Youth Affairs and Development Office, pagpapasinaya ng Galing ng Baliwagenyo Youth Center na inaasahang masimulang itayo sa lalong madaling panahon upang magsilbing sentro ng paglinang ng talento at kakayahan ng mga kabataang Baliwagenyo.

Kasamang tumanggap ng award ni Mayor Ferdie si Emmanuel Romano na itinanghal bilang isang Gintong Kabataang Bayani dahil sa ipinamalas na katapangan. Matatandaan na isa ring Gintong Kabataan Awardee si Mayor Ferdie noon dahil sa kanyang di matatawarang kontribusyon sa lalawigan ng Bulacan bilang isang entrepreneyor.

Advertisements