Dagdag allowance para sa BHWs, inanunsyo ni Mayor Ferdie

Advertisements

Masayang ibinalita ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella ang dagdag buwanang allowance ng may 120 Barangay Health Workers (BHWs) sa kanyang mensahe sa lingguhang pagtataas ng watawat kamakailan sa Pamahalaang Bayan.

Nasa P1,000 na ang matatanggap ng mga BHW mula P500 o doble sa kanilang tinatanggap dati. Bukod pa dito ay naaprubahan na din ang kanilang hazard pay kasama ang mga taga MSWDO.

Ayon kay Mayor Ferdie, ang karagdagang ayuda ay bilang pagpapahalaga sa kanilang masigasig na pagtupad sa tungkulin sa mga barangay, na naging instrumento nang tinanghal na pinakamahusay ang Baliwag sa Gawad Kalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Umaasa si Mayor Ferdie na makakatulong ang allowance na ito upang mas mapalawig pa ang pagseserbisyo ng mga volunteer BHWs na karaniwan ng umaasiste sa mga pangkalusugang proyekto at gawain ng Municipal Health Office.

Samantala, marami ang natuwa sa nasabing anunsyo na maituturing ng maagang pamasko ni Mayor Ferdie para sa masisipag BHWs ng Baliwag.