Ang Baliwag Urgent Care Center ay karugtong ng Baliwag Malasakit Center na nakatayo sa idini-develop na Baliwag Government Complex sa kahabaan ng DRT Highway.
Ito ay nakahandang magbigay ng libreng paunang lunas para sa mga kaso tulad ng pagsusuka, lagnat, pilay, diarrhea, pag-ubo, mild asthma at mild allergies. Binubuo ito ng isang primary service room, delivery room, recovery room at minor operating room.
Ayon kay Dr. Mary Joan Dinlasan, pinuno ng Baliwag Health Office, ito ay kanilang pinangalanang Urgent Care Center ngunit hindi ito nangangahulugan na limitado lamang ito para sa paunang paggagamot. Dagdag niya, maari rin itong magsilbing emergency room sa oras na magsarado ang Baliwag Malasakit Center sa hapon.
Kaya naman pinagpupursigihan niyang magsulong ng iba’t ibang mga programang nakatuon at nakasentro sa iba’t ibang pangangailangan medikal ng mga Baliwagenyo.
Inaasahang pormal na magsisimula ang operasyon ng Baliwag Urgent Care Center ngayon ring taon upang makapaghandog ng serbisyong may malasakit hindi lamang para sa mga Baliwagenyo kung hindi maging sa katabing bayan ng San Rafael, Pulilan, San Ildefenso, Bustos at sa mga karatig na bayan sa Pampanga na Candaba at San Luis.
####
Mabuhay! Siguruhin lang sanang may tunay na malasakit ang mga maaasign diyan na doktor, nurses, at iba pang medical worker. Marami kasing mga kwnto tungkol sa mga personnel ng public hospitals na di mabaait sa mga pasyenteng mahihirap.