Kasama ni Mayor Ferdie na nagsumite ng kanilang COC ang kanyang tatakbong Vice Mayor na si Joel Pascual at mga konsehal na sina Cora Agustin, Ogie Baltazar, Edwin Bautista, Bien Gonzales, Dingdong Nicolas, Tony Patawaran, Lowell Tagle at Atty. Buko dela Cruz.
Bago dumiretso ng COMELEC-Baliwag ay dumalo muna sa isang banal na misa si Mayor Ferdie at kaniyang mga ka-partido sa St. Augustine Parish Church upang mag-alay ng dasal sa pagtakbo sa Halalan 2019.
Halos 2,000 tagasuporta ang nakilahok at nagpahayag ng kanilang pagmamahal sa team ni Mayor Ferdie sa pamamagitan ng pasusuot ng berde at pag-martsa patungong Comelec.
Ayon kay Mayor Ferdie, “Kailangang magpatuloy ang pagpapabuti sa imahe at estado ng Baliwag sa pamamagitan ng Serbisyong May Malasakit mula sa tunay na Dugong Baliwag, Pusong Baliwag.”
Sa unang dalawang taon ni Mayor Ferdie, maraming karangalan ang ipinagkaloob sa Baliwag kabilang ang mga prestihiyosong Seal of Good Local Governance, Most Competitive LGU, E-Gov Awards at Most Outstanding Mayor Award.
Si Mayor Ferdie ay naglilingkod sa kanyang unang termino pa lamang ngayon, matapos niyang talunin ang dating nakaupong punongbayan sa Baliwag.