Baliwag News Service

BALIWAG, ‘BACK TO BACK’ WINNER SA DICT E-GOV AWARDS

Advertisements

Muling nag-kampeon ang Baliwag sa katatapos lang na Department of Information and Communications Technology (DICT) E-Gov Awards para sa Baliwag Information Profiling System (BIPS)  para sa kategoryang Government Inter-Operability at nagwagi naman sa ikalawang pwesto ang  Baliwag High FVE Mobile App para sa kategoryang Global Competitiveness.

Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella at Baliwag Municipal Information at Communication Technology Office (MICTO) Head Brainard Ardoña ang pagtanggap ng mga parangal noong ika-13 ng Oktubre, 2018 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ang Baliwag High FVE Mobile App at BIPS na proyekto ng Baliwag MICTO ay naglalayon na mas mapabilis ang transaksyon at daloy ng impormasyon hindi lamang sa loob ng lokal ng pamahalaan kung hindi para rin sa mga Baliwagenyo sa tulong ng teknolohiya.

Ayon kay Mayor Estrella, labis ang kaniyang kasiyahan sa pagkapanalo ng Bayan ng Baliwag sa nasabing parangal. Dagdag niya, siya ay naniniwala na mahalaga ang tamang paggamit at integrasyon ng teknolohiya sa pamamahala kung kaya binibigyang diin sa bisyon ng Pamahalaang Bayan ang pagiging sentro ng Baliwag sa technological advancements.

Ang eGov Award ay isang prehistiyosong parangal na nag lalayon na paigtingin ng bawat pamahalaan sa buong bansa ang pagbibigay ng mga impormasyon sa kanilang mga nasasakupan upang mas madali nila itong matanggap at mapakinabangan gamit ang teknolohiya.

Maaring i-download ang Baliwag High FVE Mobile App sa kahit anong android phones at ito ay malapit na ring ilunsad sa Iphone Operation System (IOS) Apple upang malaman ang mga bagong balita at pangyayari sa loob ng Bayan ng Baliwag.

 

###

Advertisements