Atty. Pechay dela Cruz, Tatakbong Bokal

Advertisements

Lungsod ng Malolos – Naghain ng kanyang kandidatura kaninang umaga si Baliwag Councilor Erlene “Pechay” dela Cruz sa pagka Bokal o Board Member sa Commission on Elections Malolos kasama ang kanyang kuya, 2nd District Board Member Enrique “Buko” dela Cruz na matatapos ang termino sa 2019. Inaasahan ni Bokal Buko na ang kanyang bunsong kapatid naman na si Atty. Pechay, na nasa kanyang unang termino bilang Municipal Councilor ng Bayan ng Baliwag at Chairman ng Komite ng Tagalaan ang hahalili sa kanya.