Baliwag, Pasok sa 2018 SGLG – DILG

Advertisements

Kabilang sa Hanay ng nga Mahuhusay at Matitinong Lokal na Pamahalaan

San Fernando, Pampanga – Inanunsyo noong, Oktubre 1 sa pamamagitan ng social media account ng DILG Central Luzon ang mga hanay ng mga bayan na muling gagawaran ng Seal of Good Local Governance. Tatlong bayan lamang sa Lalawigan ng Bulacan ang nakapasok dito, bumaba ang bilang mula sa lima noong isang taon.

Kasama ng Baliwag ang Plaridel at Guiguinto na pawang mga nasa ikalawang distrito.

Mas Mahirap na Pamantayan

Mas naging mahirap nga ang pamantayan ng Seal of Good Local Governance 2018 sapagkat kailangan maipasa nito ang lahat ng sektor na tinatawag na core at essential.

Pitong sektor nga ang naipasa ng Bayan ng Baliwag na personal na binisita ng DILG Region 12 Cagayan de Oro. Naging matagumpay ang kampanya ng Baliwag para sa ikalawang taon upang magawaran ng SGLG sa kabila ng mahigpit na pamantayan kabilang na ang pagkakaroon ng Comprehensive Development Code at Comprehensive Land Use Plan.

Matino at Mahusay

Pasado nga ang Baliwag sa pitong sektor na sinusuri ng Department of Interior and Local Government kabilang ang mga sumusunod:

1. Financial Administration

2. Disaster Preparedness

3. Public Order and Public Safety

4. Social Protection

5. Environment Protection

6. Business Friendliness and Competitiveness

7. Arts, Culture ànd Tourism