Baliwag MICTO Nominado muli sa DICT e-Gov Awards

Advertisements

Malolos City – Matapos na maanunsyo ang kapapasok na muli ng Baliwag sa hanay ng bayan na gagawaran ng Seal of Good Local Governance ay nakatanggap itong muli ng dalawang sulat mula sa Department of Information Communication Technology na nagaanyaya na dumalo sa EGOV Awards matapos na ianunsyo na ang ipinasok na kalahok ng Baliwag – BIPS o Baliwag Information Profiling System at ang Baliwag APP para sa kategoryang Global to World ay nominado.

AWARDS NIGHT

Ang Gabi ng Parangal ay magaganap sa Biyernes, Oktubre 13, sa ganap na ika-6ng sa Philippine International Convention Center.

Nakatakdang dumalo dito sina Baliwag Mayor Ferdie Estrella at Baliwag MICTO Head Brainard Ardońa.