Baliwag News Service

Batang babae na nakuryente sa baha, nailigtas!

Isang siyam na taong gulang na bata ang nakuryente habang naglalakad sa baha kasama ang kaniyang dalawang kapatid na pauwi galing sa paaralan noong ika-6 ng Setyembre, 2018 sa Ilang-Ilang Street Brgy. Concepcion Baliwag, Bulacan.

Makikita sa isang CCTV footage na in-upload sa Facebook na habang naglalakad ang magkakapatid ay bigla na lamang bumagsak ang batang babae sanhi ng pagkakakuryente mula sa kable na nahulog sa baha. Nakita ito ng kaniyang ina at nagtangka pang iligtas ang anak subalit hindi ito naging posible dahil na rin sa lakas ng ground. Sa kabutihang palad ay napadaan ang isang ambulansya ng Brgy. Concepcion na minamaneho ng driver na si Danilo San Pedro at agad siyang huminto upang sagipin ang biktima. Mabilis na naihatid ang bata sa Baliwag District Hospital kung saan siya ay nabigyan ng agaran at karampatang lunas at kinabukasan ay nailabas din at patuloy na oobserbahan upang masiguro na maging maayos ang kaniyang kalusugan. Kasalukuyan ding pinaiimbestigahan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang insidente upang matiyak na hindi na ito maulit sa iba.

Bilang pasasalamat at pagkilala sa kabayanihan ni G. San Pedro ay ginawaran siya ni Mayor Ferdie V. Estrella ng sertipiko ng pagpapahalaga at binigyan ng tulong pinansiyal para sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Binigyan din ni Mayor Ferdie ang batang babae ng mga bagong gamit sa paaralan at ayuda sa pagpapagamot upang masiguro ang kanyang tuluyang paggaling.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.