Baliwag News Service

Motorcycle rider na bumangga sa Nissan X-trail, patay

Namatay ang rider ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nito makaraang bumangga sa isang Nissan X-trail na pawang walang suot na helmet at nakainom kaninang madaling araw (Setyembre 02, 2018) sa Baliwag flyover, Brgy. Bagong Nayon, Baliwag Bulacan. Kinilala ang rider na si Reynaldo Marcos Y Santiago, 22 anyos, residente ng Bahay-Pare, Candaba, Pampanga na namatay habang ginagamot sa Allied Care Experts Medical Center, habang ang sugatang angkas nito na si Jomari Valmadrid Y Cunanan, 26 anyos, residente ng Brgy. Malipangpang, San Ildefonso Bulacan ay dinala sa Galvez Medical Center, San Ildefonso Bulacan. Ayon sa imbestigasyon, bandang 1:00 ng madaling araw ng magkatuwang na nirespondehan ng Baliwag PNP at Baliwag Rescue FVE ang nangyaring aksidente na kinasangkutan ng isang Kawasaki Bajaj na motorsiklo at Nissan X-trail na minamaneho ni Cesar Perez Y Eaquivel, 70 anyos, residente ng Brgy. Tanawan, Bustos Bulacan.
Advertisements