Baliwag News Service

Lider ng mga magnanakaw na may myembrong menor-de-edad, natimbog ng Baliwag PNP

Nito lamang bandang 12:30pm, ngayong araw ng Linggo (August 26, 2018) ay nadakip ng Baliwag PNP ang tinuturing na lider ng isang grupo sa pagnanakaw ng kambing na may mga menor-de-edad na myembro matapos na maaresto sa kanyang tahanan sa Bustos Bulacan.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Larren Telesporo Y Mendoza alyas Bikoy, 31 anyos, residente ng Brgy. Cambaog, Bustos Bulacan. Kabilang si John Marco Balbin Y Domingo, 18 anyos, residente ng Brgy. Pagala, Baliwag Bulacan at tatlo (3) pang menor-de-edad na nasa edad 9 hanggang 12 taong gulang na pawang taga Brgy. Pagala din.

Ang nasabing insidente ng pagnanakaw ay naganap kaninang madaling araw sa Brgy. Sabang, Baliwag Bulacan na nasaksihan ni Alejandro Francisco Y Manuel, tanod ng nasabing barangay. Agad pinagbigay alam ng tanod ang pangyayari sa may-ari nito na si Brgy. Kagawad Rommel Nicolas Y Viceo at natuklasan na dalawang (2) alagang kambing nito ang nawawala.

Bandang 11:30 ng umaga ng mamataan ang isa sa mga suspek na si John Marco sa Brgy. Sabang, dahilan upang madakip ito at maimbistigahan sa istasyon ng pulis. Inamin ng suspek na ang mga nawawalang kambing ay nakalagak sa bakuran ng kasamahan nito na si alyas Bikoy. Tinungo ng ating kapulisan ang nasabing lokasyon at doon natagpuan ang mga nawawalang kambing at agad na dinakip ang mga suspek.

Advertisements

2 Replies to “Lider ng mga magnanakaw na may myembrong menor-de-edad, natimbog ng Baliwag PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.