Batasang Pambansa – Labintatlong mga bayan sa buong bansa ang nag pasa ng mga panukalang gawing mga lungsod. Mula sa mga house bills na iyon ay ang HB0611 o An Act converting the Municipality of Sto. Tomas into a component city of the Province of Batangas ang naisabatas. Ito ay sa mula sa panukala ng kanilang kongresista Congresswoman Ma. Theresa Collantes.
Isa lamang ang munisipalidad sa Gitnang Luzon ang naghain ng panukala para sa kanilang kalunsuran. Ang panukala para sa kalunsuran ng Lubao ay inihain ni Pampanga Representative at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Inaasahaan naman na susunod din ang Capas at Baliwag.
Samantala, naghain naman ng panukala si Congressman Apol Pancho kasama ang mga miyembro ng Local Government Committee na payagan na maging lungsod ang isang bayan na may kita na 220,000,000 kahit na ito ay hindi papasa sa income at population requirement na itinakda sa Local Government Code.
Narito ang listahan ng mga house bills para panukala ng cityhood.
HB 000066
Daraga, Albay – Salceda, Joey
HB 000611
Sto. Tomas, Batangas – Collantes, Ma. Theresa V.
HB 000638
Labo, Camarines Norte – Unico, Renato Jr.
HB 000694
Lubao, Pampanga – Macapagal-Arroyo, Gloria
HB 01218
Polomolok, South Cotabato – Acharon, Pedro Jr. B.
HB 2164
San Jose, Occidental Mindoro – Ramirez-Sato, Josephine
HB 4094
Mauban, Quezon – Enverga, Anna Katrina
HB 7418
Alabel, Saranggani – Pacquiao, Rogelio
HB 5502
Carmona, Cavite – Loyola, Roy M
Zamora, Ronaldo B.
HB 6123
Science City of Ubay, Bohol – Aumentado, Erico Aristotle
HB 6256
Calaca, Batangas – Ermita-Buhain, Elenita Milagros Eileen
HB 7796
Bauan, Batangas – Abu, Raneo
HB 7865
Maramag, Bukidnon – Zubiri, Manuel F.
Go lang Baliwag! Nakakapagtaka lang na wala pa sa agenda ng Sta. Maria, Norzagaray at Marilao ang kalunsuran kasi matagal na silang ‘qualified’. Iba talaga ang nagagawa ‘pag maagap at masipag ang Mayor!