Baliwag News Service

8 sa Pulis ng Baliwag, tumaas ang ranggo

baliwag mps

Ang nasabing walong (8) pulis ay kinabibilangan nina Police Inspector Victor Alberto; SPO2 Emiliano Jalova Jr.; SPO2 Antoniño Delos Reyes; SPO2 Gilbert Tadeo; PO3 George Jay Cruz; PO3 Christopher Santiago; PO3 Jose Ignacio III at PO3 Richmond Denniez Busine.

Inihayag ni PSUPT Marlon Santos, Acting Chief of Police ng Baliwag MPS (Municipal Police Station) ang kanyang katuwaan sa pagtaas ng ranggo ng mga nabanggit na pulis at pinaalalahanan na ang kaakibat ng pagtaas ng ranggo ay hindi lamang paglaki ng sweldo kungdi mas malaking responsibilidad sa tungkulin. Dahil dito, dapat ay mas masigasig sa pagpapatupad ng ating tungkulin at magsilbing gabay sa ating mga kapwa pulis.

Isang salu-salo ng pasasalamat ang idadaos sa Baliwag Municipal Police Station Compound kasama ang lahat ng miyembro ng Kapulisan ng Baliwag MPS at ilang kawani ng munisipalidad ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.