Baliwag News Service

Pagpupulong kasama ang mga Komite sa Agrikultura

Advertisements

Ito ay alinsunod sa hangarin ng Municipal Agriculture Office na magkaroon ng pakikipagtulungan sa mga bagong itinalagang kagawad sa Agrikultura ng bawat Barangay.

Ang pagpupulong na ito ay ang magsisilbing tanda ng pakikiisa ng bawat Barangay na may kinalaman sa Agrikultura sa ating pamahalaang bayan.

Ang bawat programa ng Municipal Agriculture Office ay ipinaliwanag sa mga kagawad upang sila ay magkaroon ng ideya kung paano ito isinasagawa at kung sino sino ang mga qualified sa mga nasabing programa.

Ang pagpupulong ay pinasinayaan ni Ginoong Clemente Labao.

Ipinaliwanag ni G. Labao ang kahalagahan ng bawat programa at pati na rin ang estado ng Agrikultura sa Bulacan.

Ang sumunod naman na programa ay tungkol sa pagpapalay(Rice program) na ipinaliwanag naman ni G. Herson Alvarez at Mrs. Elenita Hernandez.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga programa ng rice:

RCM- Rice Crop Manager- isang on-line tool na ginagamit upang makapagbigay ng rekomendasyon sa magsasaka ukol sa tama at sapat na pagpapataba na makapagbibigay na pinakamalaking ani.

Soil Analysis – Ito naman ang proseso ng pagsususuri o pag aanalisa sa lupa na kung saan ang magsasaka ay kukuhanan ng 1 kilong sample ng lupa. Ang prosesong ito ay sinasabing mas accurate kaysa RCM.

Inbred At Hybrid Rice Subsidy –

Ito naman ang proyekto na nagbibigay ng libreng binhi sa mga magsasaka.

Ang Municipal Agriculture Office ay nakapagpamigay ng 1300 na libreng inbred na binhi sa mga magsasaka ng Baliwag.

Ang sumunod naman na programa ay ang High Value Crop/ Vegetable Program na ipinaliwanag naman ni G. Imelda Santos.

Ang nasabing programa ay ang pamimigay ng mga libreng buto at binhi ng gulay.

Isa sa ipinamimigay na talaga namang nagkaroon ng malaking tulong sa magsasaka ay ang Binhi ng Pakwan.

Kabilang sa programa ng HVC ay ang Bayanihan Gulayan sa Baliwag na kung saan ito ay ipinaliwanag muli ni G. Labao.

Layunin ng “Bayanihan Gulayan sa Baliwag” na mabigyang kaalaman ang mga mamamayan sa Baliwag ng tamang pagtatanim sa kanilang bakuran o Urban Gardening.

Samantala ipinaliwanag naman ni G. Danilo De dios at G. Reinalyn V. Quinaquin ang mga programa sa Paghahayupan( Animal Program).

Ang programang ito ay may tatlong sangay: Livestock, Poultry at Small/Pet Animals

Ito ay mga ilan lamang sa programa ng paghahayupan;

Goat Seminar-Livestock Program

-Ito ay isang seminar na isinasagawa isang beses kada linggo sa piling mga nag aalaga ng kambing. Ang mga magsisipagtapos sa programang ito ay bibigyan ng tig-isang kambing.

Mass Vaccination( Anti-Rabies)- Pet Program

– Ito naman ay isinasagawa sa bawat Barangay na kung saan ang bawat mamamayan na may alagang aso o pusa ay pinapapunta sa isang designated area upang doon isasagawa ang nasabing pagbabakuna laban sa nakamamatay na rabies.

New Castle disease ( NCD Vaccination)- Poultry Program

– Ang pagbabakuna naman sa mga alagang manok laban sa NCD ay isinasagawa sa mga poultry farm na madalas tamaan nito. Ang nasabing gamot din ay makakatulong na rin upang maiwasan ang bird flu.

Ang huling programa naman ay ang Fisheries na iniulat ni G. Marites Furagganan.

Ito ang mga programa sa Fisheries:

Tilapia Fingerling Dispersal- Ito ay ang pamimigay ng libreng semilya ng tilapya sa mga piling fisherfolk. Layunin nito na mabawasan ang gastusin ng mga nag aalaga ng tilapya.

Ito ay simula pa lamang para sa pagbabago para sa Baliwagenyo!!!

For more inquires or questions regarding Agriculture Programs just visit us at Municipal Agriculture Office located at Drt Highway,Brgy. Pagala,Baliwag,Bulacan.

Advertisements