Baliwag News Service

Tatlong Natatanging Baliwagenyo Pasok sa Dangal ng Lipi

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Tatlo ngang Baliwagenyo ang napiling parangalan ngayon taon ng Selection Committee ng Dangal ng Lipi, Gawad Parangal Para sa Natatanging Bulakenyo.

Si Dr. Sergio Cao, PhD, dating Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at ngayon nga ay Pangulo ng Manila Tytana Colleges ay para sa Edukasyon. Si Dr. Cao ay mula sa Brgy. Concepcion at nagtapos ng HighSchool sa Mariano Ponce National HighSchool at Mathematics sa UP. Siya din ay nauna na ng naging Dangal ng Baliwag sa parehas na larangan.

Si GMA Resident Meteorologist Mang Tani or Nathaniel Cruz mula sa Brgy. Subic ay gagawaran naman ng Dangal ng Lipi sa Larangan ng Media. Siya ay naging Dangal ng Baliwag noon para sa Agham at Teknolohiya. Siya ay nagtapos ng Meteorology sa UP, High School sa Mariano Ponce HS at Elementarya sa Sabang Elem School.

Si G. Jaime “Jimmy” Santiago ay Dangal ng Lipi sa Advertising. Siya ay isang beteranong advertising executive na Managing Partner ng SMP/Tbwa isa sa pinakamalaking advertising firm sa bansa. Aniya sa Aklat na Lunduyan ng Bayani, “ipinangalan niya ang Glorietta Mall sa Makati sa Glorietta ng Baliwag” noon siya ay bigyan ng proyekto ng Ayala Company para dito. Si Jimmy ay nula sa Brgy. Sabang at nagtapos ng High School Sa Mariano Ponce HS.

Advertisements