Matatandaan na ang Baliwag ay nasa pang 960 pwesto noong datnan ito ni Mayor Ferdie V. Estrella. Matapos na tutukan ang pamamahala; pagsasaayos ng mga sistema sa business permit; pagawain bayan; paghikayat sa imbestors at maayos na sistema ng paglikom ng mga datos ay nagawang maging Most Improved LGU noong 2017. Bumaba ang pwesto ng Baliwag isang taon mula ng manungkulan si Mayor Ferdie, pumwesto ito na pang 47 pangkalahatan noong 2017. Nagpang 10 din ito sa Resiliency at pang 12 sa Infrastracture sa nasabing taon.
Baliwag, Nanguna sa Bulacan
Samantala, nanguna naman ang Baliwag sa mga Bayan sa Bulacan matapos na ito ay pumangalawa sa Bayan ng Sta. Maria noong isang taon. Nasungkit ng Baliwag sa Marilao ang ikalawang pwesto noon 2017.