Baliwag News Service

Lalaking nahold-up at inihulog sa tulay ng Bustos, nasagip ng Rescue FVE.

AbidoIsang lalaki na biktima diumano ng hold-up, at inihulog ng di pa nakikilalang mga suspect sa tulay ng Bustos, Bulacan ang na-rescue ng Baliwag MDRRMO. Kahapon ng alas-sais ng umaga, ay nasagip ang biktima ng Rescue FVE habang nakakapit ito sa puno na halos tangayin na ng agos sa ilalim ng tulay dala ng patuloy na malakas na pag-ulan. Ayon sa mga rumesponde, isinalaysay ng biktima na hinarang siya ng tatlong kalalakihan malapit sa tulay, at pilit na kinukuha ang kanyang mga kagamitan bago siya kinaladkad ng mga ito at inihulog sa tulay.

Agad na dinala ang nasabing biktima sa Baliwag District Hospital (Carpa) para mabigyan ng paunang lunas bago ito ilipat sa Santo Niño General Hospital sa bayan ng Bustos. Nang idinaan sa Barangay Hall ay positibong kinilala ang biktima na si Raymundo Cruz, isang residente ng Tanawan Bustos, Bulacan. Dagdag pa rito ay hiniling din ng kabarangay ng biktima na madala ang biktima sa Bustos Community Hospital upang doon ay matingnan at mabigyan ng karampatang lunas. Hinihinalang nagtamo ang biktima ng pelvis fracture at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Barangay Tanawan. Kasalukuyan ding iniimbestigahan ng Bustos PNP ang naturang insidente.a

Advertisements