Halaga ng Pagtatanim: Pokus ng selebrasyon para sa buwan ng Nutrisyon 2018

Advertisements

July 2018. Ayon sa Presidential Decree No. 491 o ang Nutrition Act of the Philippines, ipinagdiriwang ang buwan ng Nutrisyon tuwing buwan ng Hulyo upang itaas ang lebel ng kamalayan ng publiko sa mga napapanahong usapin sa nutrisyon. Bawat taon ay may natatanging tema ang pagdiriwang at ngayong 2018, ang tema ay “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon, Aanihin,” na nakasentro sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mas mabisa at mahusay na food and nutrition security sa pamamagitan ng mas malawak na access sa masusustansyang pagkain mula sa sariling bakuran hanggang sa mga malalawak na sakahan o taniman. Ang buwan ng nutrisyon ay pagkakataon rin upang mas mapalawig ang pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2017-2022 bilang tugon laban sa malnutrisyon sa ating bansa.

Kaugnay ng selebrasyong ito, napapanahon na noong unang tatlong buwan ng taon ay nilagdaan ng ating Punongbayan Mayor Ferdie Estrella ang Executive Order na bumubuo sa Kumite ng Bayanihan Gulayan sa Baliwag. Layunin nito na mabigyan ng kaukulang atensiyon ang pagkakaroon ng agarang access sa pagkain gaya ng pagtatanim ng gulay, prutas at iba pang binhi na mayroong pangmatagalan at tuloy-tuloy na solusyon para sa suliranin ng food security, nutrition at climate change.

Ayon kay Mayor Ferdie,


“Kung matuturuan lamang ang bawat kabahayan na magtanim sa kanilang bakuran ng mga gulay, sangkap na pangluto at iba pang halaman at herbs ay hindi magugutom o walang dahilan para magkaroon tayo ng malourished na bata.”

Kaya’t sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon, ihinalayhay ang mga aktbidad na sasalamin sa tema ng taong ito. Narito ang mga inaasahang aktibidad para sa buong buwan ng Hulyo. Inaasahan na makikiisa ang iba’t ibang pribado at pampublikong sektor ang ating pamahalaan sa katagumpayan ng mga aktibidad na ito.