Baliwag Health Baliwag News Service Child-friendly municipality nutripop Social protection Social Services / Partnerships

Breastfeeding mommies reunited sa selebrasyon ng Hakab Na 2018 sa Baliwag!

Advertisements

August 5, 2018. Alinsunod sa pagdiriwang ng Breastfeeding Month sa buong mundo ngayong buwan ng Agosto na halaw sa RA 10028 o ang Expanded Breastfeeding Act, ay idinaos muli sa bayan ng Baliwag ang sabayang paghakab o pagpapasuso ng mga ina. Ang HAKAB Na sa Baliwag ay naging matagumpay in partnership with Breastfeeding Bulakenyas na sinimulan noong 2017 at pinagpatuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa pangunguna ng ating Punongbayan Mayor Ferdie Estrella at Mayora Jonnah Nubla-Estrella.

Simula noong pagkakapasa ng Breastfeeding Ordinance of Baliwag noong Setyembre 2017 (Municipal Ordinance No. 10, Series of 2017) ay mas pinalawig pa ang mga aktibidad na higit na makakapagtaas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng breastfeeding hindi lamang sa loob ng 6 na buwan bagkus ay sa extended periods pa.

Ang HAKAB Na sa Baliwag, mula sa kabuuang bilang na 290 na mga ina at volunteers na lumahok noong 2017, ay pumalo sa kabuuang bilang na 1,450 na mga breastfeeding mommies at volunteers ang dumayo ngayong taong 2018 na sobra sobra sa target na 400. Nagmula pa sa iba’t ibang bayan ang mga lumahok sa aktibidad na ang ilan ay galing pa sa Manila.

Ikinatuwa ng mga mommies at daddies ang mga pakulo ng selebrayson ngayong taon dahil sa mga inihandang mga lektura, palaro at iba pang mga supresa na mas pinasaya dahil sa dami rin ng mga lumahok na mga business enterprises na nag-ooffer ng mga pagkain, gamit at serbisyo para mapanatili ang kalusugan ni baby, mommy at pati si daddy. Kabilang din sa mga bagong partners ng aktibidad na ito ang Baliwag Local Council of Women at Bituin ng Baliwag na parehong pinamumunuan ng ating minamahal na Mayora Jonnah Nubla-Estrella. Nakiisa rin sa aktibidad ang may akda ng Breastfeeding Ordinance ng Baliwag na si Konsehala Marie Claudette Quimpo-Serrano.

Binigyang pagkilala rin ang mga natatanging mga ina at ama sa iba’t ibang kategorya ng pagpapalawig ng Breastfeeding Ordinance ng Baliwag, kabilang ang mga sumusunod: a) Tandem Breastfeeding; b) Twinning while Breasfeeding; c) Nursing Employee of Baliwag LGU; d) Youngest Breastfed Baby; e) Longest (period) breastfeeding mommy.

Isang special award naman na nagkamit ng cash, sash at medal ang ibinigay sa  mommy na may #KakaibangHakab at #LodingDaddy sa mismong araw ng aktibidad.

Sa pagtatapos ng aktibidad, tinitiyak ng Baliwag na sa susunod na taon, mas maraming mommies, daddies at partners pa ang mahihikayat sa sumali sa HAKAB Na 2019 sa bayan ng Baliwag upang higit na mapalawig pa ang breastfeeding!

 

Advertisements