baliwag Baliwag News Service baliwag schools Baliwag Youth Development baliwag youth leaders Baliwagenyo Achievers btech dangal ng baliuag Engineering galing ng Baliwagenyo, dangal ng Pilipino national youth commission scholarship

Mga Bagong Propesyunal, Pinarangalan

Bilang pagbibigay-pugay sa mga bagong propesyunal na nagbigay karangalan sa bayan ng baliwag, naghanda ng piging ang bayan ng Baliwag sa pangunguna ng pitagang Punongbayan Ferdie V. Estrella noong ika-7 ng gabi, Hulyo 28, 2018, sa Municipal Annex Building.

38636660_237066660279309_1847821387461296128_n

Ang mga propesyunal na nakapasa sa Board Examination sa iba’t ibang larangan tulad ng Accountancy, Architecture, Criminology, Education, Engineering, Environmental Planning, Medicine, Nursing; nagkamit ng pinakaunang karangalang Summa Cum Laude sa College of Education sa Bulacan State university at kabilang na rin ang mga kinilala sa Ten Outstanding Students of the Philippines ay binigyang saludo ni Mayor Ferdie sa tinaguriang, “Baliwag Achievers: Testimonial Dinner.”

38489871_276906086227291_8371021543441956864_n

Ayon kay Mayor Ferdie, “Kapag ang ating mga kabataan ay talagang binigyan ng pag-asa at binigyan ng pagkilala, mas malayo pa ang kanilang mararating.”

38516146_306205553274152_977254146744778752_n

Sinabi naman ni Municipal Administrator Enrique V. Tagle na hindi lamang ang mga propesyunal ang nararapat bigyang pagkilala kundi pati na rin ang kanilang mga magulang. “Ang gabi na ito ay tunay na para sa mga magulang na nagsikap para kayo (mga bagong propesyunal) ay makapagtapos,” wika ni MA Tagle.

38615060_2133384823609971_6008338614910451712_n

Pinatotohanan naman ng mga piling bagong propesyunal na karapat-dapat lamang na ang mga parangal at medalya na kanilang natanggap ay isuot sa kanilang mga magulang. “Maraming salamat po, Ma at Pa, sa sakripisyo na inyong ginagawa para lamang maabot namin ang aming pangarap,” wika ni Nesza Marie D. Salas, Magna Cum Laude – Btech College, March 2018 LET Passer.

38528885_1896154200692658_6721339134922719232_n

Ibinalik naman ni Mary Joylene D. Itang, pinakaunang nagkamit ng karangalang Summa Cum Laude sa College of Education, BulSu, ang lahat ng papuri at sa pasasalamat sa Diyos na may likha ng lahat. “Ang anumang katagumpayang natatamasa natin ngayon ay sumisimbolo lamang ng kapangyarihan at katapatan ng Panginoon sa ating mga buhay. We are nothing without God,” wika niya.

38498626_2089521931313215_6658379359654510592_n

Nagbahagi rin ng iba’t ibang patotoo na humamon sa bawat dumalo sa salu-salo ang mga sumusunod na bagong propesyunal: Mervryl D. Mercado, CPA, Eng. Jhomel A. Singca, Architect Kimberly E. Nacu, Franco Greco I. Rivera, MD, Environmental Planner Ryan R. Tagle, at Ms. Relynne L. Miranda.

38471374_2301171139910274_4837307848851456000_n

Mula sa paghahanda ng iba’t ibang pagkain hanggang sa pagbibigay ng regalong pagkilala sa pagkamit ng karangalan ng mga bagong propesyunal, hindi maikakaila na hindi nagtipid ang bayan ng Baliwag upang iparamdam sa kanila kung gaano ipinagmamalaki ang kanilang nakamit na tagumpay.

Tunay nga na ang tagumpay ng kabataan ay tagumpay ng Bayan ng Baliwag. Dugong Baliwag, Pusong Baliwag.

ARTICLE BY: Mary Joylene D. Itang (Community Affairs Office)

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.