Performance-Based Bonus, Iniakyat na sa Civil Service Commission

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Nasa huling bahagi na ng pagpapaapruba ang pinakahihintay na performance-based bonus na tatanggapin ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag para sa taong 2017.

Ang proposed PBB ay nilagdaan ni Mayor Ferdie Estrella dalawang lingo na ang nakakaraan. Ito naman ay iniakyat sa Sangguniang Bayan ng Baliwag upang ihingi ng pagsang-ayon ang pagpapalabas ng kaakibat na pondo na nagkakahalaga ng mahigit sa apat na milyong piso.

Matapos na ito ay maaprubahan ng Civil Service Commission ay maaari na itong maipamahagi sa mga regular na kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Nanawagan naman si Mayor Ferdie Estrella sa CSC na gumawa ng isang mekanismo na kung saan mabibigyan ng kaukulang PBB maging ang mga job orders na hindi rin matatawaran ang kontrobusyon upang maging mahusay ang pamamahala.