Baliwag’s Environmental Strategies, Shortlisted ng Galing Pook Foundation

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Isang sorpresa ang dumating sa Baliwag matapos na ang entry nito na pinamagatang “Environmental Convergence Strategies of Baliwag” ay mapili sa tatlumpung mahuhusay na programa mula sa isang daan at limampu’t anim na kalahok sa Galing Pook 2018.

Matapos ang isinagawang on-site validation ng kinatawan mula sa Galing Pook Foundation sa katauhan ni Ms. Veronica Villavicencio ay muling pipili ang organisasyon mula ng matitirang dalawapung pinakamahuhusay na programa upang sumalang sa isang panel interview kaharap ang Board of Trustees at experts ng Galing Pook Foundation.

Ani Mayor Ferdie, “ang mapili ang ating programa mula sa 156 mahuhusay na kalahok ay nakakataba na ng puso. Ang Galing Pook ay masasabi nating the Oscars para sa LGU Best Practices. Matatandaan na nakasungkit ng isang Galing Pook Award ang Baliwag noon sa pamamagitan ng programang Damayan ng Barangay Tangos. Inilahok ito ni dating Brgy. Chairman Bernard Gonzales.”


Ang Environment Convergence ay binubuo ng tatlong malalaking programa ng Baliwag na may kinalaman sa Climate Change Mitigation kasama na dito ang Palit Basura Store, Septage Management Facility ng Baliwag Water District at ang Baliwag Climate Change Center.