Baliwag Basketball team for intertown is going to be in quarter finals. Muli ay ipinamalas ng team baliwag ang kanilang kakayahan at husay sa pag kakapanalo sa laban sa bayan ng San Miguel team. Sa simula ng laro ang dalawang koponan ay hindi bumitiw para makapasok sa quarter final. Pinangunahan nila Tiquia, Javier, Pinca, Mendoza at Bacalla na kapwa nag pakita ng kakaibang determinasyon para makuha ang panalo sa score na 92-85. Ayon kay coach joseph “ Pumasok ang Baliwag sa knock out game laban sa malalaki at mabibilis na players ng San Miguel para sa natitirang Quarter Finals slot ng Gov. and Vice Gov. 2018 intertown basketball league”. maituturing na under dog naman ang ating team sapagkat galing sa talo ang team baliwag sa kanilang huling naging laban sa bayan ng hagonoy. Subalit nagpakita naman ng kakaibang determinasyon at bilis para makuha ang magandang simula ng laban at nag pakita din ng tapang at magandang laro ang team San Miguel para idikit ang score. Subalit napanatili ng team Baliwag ang mataas na antas ng laro at naging mas determinadong manalo. “Puso at tiwala sa isa’t-isa” ang naging sandata kasabay ng pag-hingi ng gabay sa ating poong maykapal upang makuha ang panalo at makapasok sa susunod na level ang competition kasama na ang walang sawang suporta ng ating butihing Mayor Fredinand V. Estrella at ang head ng Sports Development Office na si Baldo Torres at mga kasama niya na sila Coach Isagani Indon, Rolando Patawaran at si Joseph Patarawan. Nawa ay mag tuloy tuloy na ang panalo ng team baliwag hanggang makarating sa finals.
#GoforChampionship
#DugongBaliwagPusongBaliwag
#SerbisyongMayMalasakit