Baliwag News Service

Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Bayan ng Baliwag.

Isang bagong kasaysayan muli  ang nangyari noong June 19, 2018 sa baliwag star arena. Sa kauna unahang pagkakataon ginanap ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) game na kung saan ito ay itinatag ng ating butihing Senador manny pacquiao. Lunes june 18,2018 nag handa ang star arena at iba’t ibang opisina ng pamahalaang bayan ng baliwag para sa panibagong makaysaysayan na mangyayari sa ating bayan. June 20, 2018 araw ng martes sa ganap na alas-6 ng gabi binuksan ang pinto ng star arena para sa mga manonood upang masaksihan ang panibagong kaganapan, sakto 7:00 pm nag umpisa ang laban sa pagitan ng team ng makati skyscrapers at basilan steel na kung saan ito ay dinaluhan ng libo libong manunuod at  ng ating butihing mayor Ferdinand V. Estrella. Nagtapos ang laro sa ganap na alas-9 pm  at  tinanghal na panalo ang Makati skyscrapers sa pangunguna ng kanilang head coach at dating stand out player ng de lasalle university na si coach Cholo Villanueva. Pag pasok naman ng second game dumating ang  masigasig at team owner ng bulacan kuyas na si 1st dist. Cong. Jonathan Sy-alvarado na kung saan pinasinayaan nila sa pamamagitan ng ceremonial toss ang laban sa pagitan ng Bulacan kuyas at Rizal crusaders kasama ang ating mayor Ferdinanad V. Estrella. Nag umpisa ang laro  at natapos ang unang quarter ng laban ay lamang ang team ng rizal steel. Subalit hindi nagpadaig ang ating mga kababayang mga taga bulacan  na kung saan makalipas ang 3rd quater hinabol ng team Bulacan kuyas ang lamang ng kalaban at itinanghal na panalo sa larong iyon.  masasabing isang magandang pangyayari at buong  pagsuporta ang ginawa ng pamahalaang bayan ng baliwag para sa MPBL sa pamumuno ng ating butihing mayor at ibat ibang ahensiya ng pamahalaang bayan. patuloy ang pag gawa ng kasaysayan sa pamumuno ng ating mayor ferdinand v estrella. Muli po sa lahat ng sumuporta at nakiisa maraming salamat.

#dugongbaliwagpusongbaliwag

#SerbisyongMayMalasakit

Advertisements