Ang Hangarin mag bigay ng saya at ma-develop ang volleyball sa ating bayan, ang tanging hangad ng ating butihing Mayor Ferdinand V. Estrella. Kaugnay dito muli niyang binuksan ang 2nd season ng mayor FVE inter- brgy. v
olleyball league na nilahukan ng 13 barangay sa lalake at 8 barangay sa babae. Pormal na binuksan ang liga noong Abril 15, 2018 araw ng linggo sa pamumuno ng ating butihing Mayor Ferdinand V. Estrella sa pamosong laruan ng baliwag star arena.
Nag simula ang liga sa araw na iyon na pinangunhan ng barangay Tibag, Sabang, Tarcan, Poblacion, Bagong Nayon at Sta. Barbara. Ang elimination round ay inabot ng 13 days na nagtapos noong may 17. Nag patuloy ang semi final noong May 30 dahil panandaliang naantala para sa pagbibigay daan ang ating liga sa pag diriwang ng BUNTAL FESTIVAL. Ang mapalad na koponan na naka pasok sa babae ay ang mga barangay ng Poblacion, Sabang, San Jose at Bagong Nayon para sa final 4 at sa koponan naman ng lalake ay ang barangay ng Subic, Sta. Barbara, Bagong Nayon at Sulivan. Muli sa grupo ng babae ay tinanghal sa pangalawang pag kakataon ang barangay San Jose bilang champion sa 2nd MFVE Volleyball League, si Jessica Martines ay muling itinanghalan bilang season MVP. Sa koponan naman ng lalake ay tinanghal na Champion ang Barangay Bagong Nayon. Si Mutya Diego at Kier Roque ng Bagong Nayon ang tinanghal na best import at Si Francis Benedict Lauchang naman ang tinanghal na Season MVP para sa koponan ng mga lalake.
Ang aming pasasalamat sa lahat ng sumuportang barangay at nag bigay ng oras at panahon sa ating paligang bayan upang maisakatuparan ang isa na namang matagumpay ng programa ng sports development office at ng ating butihing Mayor Ferdinand V. Estrella.
#DugongBaliwagPusongBaliwag
#SerbisyongMayMalasakit