Baliwag News Service

BALIWAGENYO, HANDA KANABA?

Sa darating na Hunyo 21, 2018 ay isasagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa bansa, alinsunod sa abisong pinalabas ng Office of Civil Defense at NDRRMC, at bilang tugon, sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella ay isasagawa ang naturang Drill sa ganap na 02:00 ng hapon sa mga piling pampubliko at pribadong gusali sa Munisipalidad, katuwang ang Baliwag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ilan sa mga nasabing gusali o lugar ay ang mga sumusunod; Ang bawat pampublikong paaralang Elementarya sa Munisipalidad ng Baliwag, Baliwag Municipal Compound, Baliwag Museum, Baliwag Star Arena, SM City Baliwag, Malasakit Center, Agriculture Building, Baliwag Local Climate Change Center, Baliwag Polytechnic College, STI, Fernandez Colleges, Baliwag Water District at mga Barangay.

 

Nagkaroong na inisyal na pagpupulong ang mga kawani ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa inisyatibo ng Punong Bayan Ferdinand V. Estrella na magkaroon ng maayos at epektibong pagsasagawa ng naturang Earthquake Drill, na siyang magagamit ng bawat Baliwagenyo sa oras na magkaroon ng pagyanig o paglindol. Inaasahan na magkaroon ng pagpupulong bukas sa bawat organisasyon/ tanggapan na makikiisa sa nasabing NSED, para sa wastong pagdaraos ng Earthquake Drill at Evacuation.

Layunin ng nasabing NSED ang palaganapin ang wastong kaalaman sa pagtugon sa di inaasahang pag yanig o lindol, bilang prayoridad ng Punong Bayan ang kaligtasan ng bawat Baliwagenyo, ay hindi magtatapos sa NSED ang pagpapalaganap ng kaalaman at kakayahan tungo sa kaligtasan, naka iskedyul nadin ang pagdaraos ng basic first aid training at iba pang Training at Seminar para sa bawat Baliwagenyo upang lalong higit na maging handa at alerto ang bawat Baliwagenyo sa pag respunde sa anu mang uri ng kalamidad.

Serbisyong may malasakit, at serbisyong garantisadong may positibong may resulta, yan ang tatak Baliwag! taas noo kahit saan man sa mundo!

Para sa anu mang katanungan ukol sa Baliwag NSED, maari nyo pong iparating ang inyong mga suwestyon, rekomendasyon at katanungan sa mga sumusunod na uri ng komunikasyon

Mobile: 0917-505-STAR (7827)     0939-999-STAR (7827)

Phone: (044) 764-4438

baliwagmdrrmo@gmail.com

Advertisements