Baliwag News Service

PAGASA: Panahon ng tag-ulan, nagsimula na

Advertisements

Ayon sa pahayag ng PAGASA, ang malawak na pag-ulan sa loob ng nakaraang mga araw ay nakumpirma na ang pagsisimula ng tag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

Gayunpaman, ang mga naturang pag-ulan ay maaring sundan ng dry periods o tinatawag ding moonsoon break.

Kaya’t palagian ng dalin ang ating mga payong at iba pang panangga sa ulan. Maglaan ng araw upang kumpunihin ang mga napansing butas sa bubungan kapag walang ulan bago pa man magkaroon ng bagyo. Siguraduhing nakahanda ang iginayak na e-balde (emergency balde) na naglalaman ng mga importanteng bagay na kakailanganin sa panahon ng kalamidad.

Subaybayan ang anunsyo ng barangay at pamahalaang bayan sa panahon na may malakas na ulan o bagyo at makiisa sa preemptive evacuation kung kinakailangan ng lumikas dahil sa pagbaha. Siguraduhin din na alam ng buong pamilya ang mga emergency hotline Globe: 0917-505-STAR (7827); SMART: 0939-999-STAR (7827).

Advertisements